Search ANYTHING You WANT!!!

Wednesday, April 16, 2008

JUDOWIE


Nasa loob ako ng isang kuweba na sobrang lalim. May umaagos na tubig at isang tawiran na gawa sa tali. Gusto ko sanang humuli ng buwaya. Iyon na nga ata ang pakay ko sa aking paglalakbay papunta sa isang lugar na parang pinagsamang Moria at Bridge of Khazad-Dum (... LORD OF THE RINGS po ... ).

==Teka... Nahihirapan na atang makaintindi ang isang kaibigan kong nagbabasa rin ng blog na toh na hindi masyadong nakakaintindi ng tagalog. HAHAHAHA. Fine. ==

So ayun nga... Pumunta ako sa gitna ng bridge at ihinagis ang malaking net. May naramdaman akong buwayang napadaan pero hindi ko siya nahuli. *BACKGROUND MUSIC BULAGA* Biglang may tumakbo mula sa malayo. Slow motion pa nga 'eh... Parang eksena ni David Hasselhoff sa Baywatch. May hawak siyang isa pang net at patakbong lumapit sa akin. Hahahaha ayos a... Sa likod niya ay may isang dilag. AYOS! Pamela Anderson naman ata role niya pero palpak ata eksena niya kasi hindi siya tumakbo. Naglakad lang siya at hindi pa slow motion. Paglapit nila... BULAGA! SI Wowie at si Juday in their 90's look. AYOS! Hindi ko alam bakit sila 'yung nasa panaginip ko pero mukhang may ipinahihiwatig ang utak ko sa'kin. Fan nga ba ako nila? HAHAHAHA! ANYWAY! Itinuro ni WOWIE sa'ming dalawa ni JUDAY ang tamang paghuli sa buwaya. Nakahuli kami pero may isang army na dumating. Dahil dito, hindi namin naituloy ang paghuli sa buwaya. Siya ay nakawala! Nag-disguise raw ako bigla... NAGING BUTIKI ako. Hindi ko rin alam ang dahilan bakit naman sa lahat ng pwedeng maging anyo ko ay naging butiki pa ako. So dumating ang batalyon ng sundalo na mukhang TERRACOTTA ARMY noong unang panahon. Ayos... Nawala sina JUDAY AT WOWIE.

OO... 'YUN ANG PANAGINIP KO.

Pagkatapos ng panaginip na ito, nang ako'y nagising... (ITONG PART NA TOH, TOTOO NA TALAGA... )

... binuksan
ko ang TV at TV PATROL NA! Isang lalake ang nakagat ng buwaya at nang sumunod na araw, may nakagat ulit ng isa pang buwaya. May kinalaman kaya ito sa panaginip ko? Hindi ko kasi nahuli 'yung buwaya sa panaginip ko kaya baka ganon na nga... hehe

ANYWAY...
Nung bata ako, natatandaan ko na isinama ako ng kasambahay namin sa sine para makapanood ng pelikula nina WOWIE AT JUDAY na ipinamagatang "MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG"... 8 years old lang ako no'n. Malaking impluwensya ang nagawa ng aking kasambahay. Naging fan na ako ng tambalang iyon. Kapag pumupunta kami sa bakery ng kasambahay namin, bumibili ako ng WOWIE AT JUDAY text cards. HAHAHHAHAHAHAH! NATATAWA NA AKO NGAYON! Simula noong araw na iyon, patuloy na akong nanonood ng mga pelikula nina WOWIE AT JUDAY. Hahahaha! Hanggang ngayon, natutuwa akong makita ang mga luma nilang pelikula. Hindi na ako fan ng bagong WOWIE at JUDAY... Fan ako ng tambalang ito nang sila ay bata pa. =p Gusto ko lang i-share. Bakit ba? =p Aminin niyo na... Sinubaybayan niyo rin sila! =p

13 comments:

Anonymous said...

shet hindi nga?! LOL!!!

ToxicEyeliner said...

hahahahha oo! pero hindi ako obsessed tulad ng pagka-obsess ko dati sa westlife a hahahaha! anyway... hindi naman na ako active sa mga ganyan2x ngayon hahahhaa...!!! lam mo namang sa GP ako addict.wooooooooooooooot! haha

chroneicon said...

ibang klase. at ang disguise ay butiki! spencer at aiza na lang!!! LOL!

chroneicon said...

"Spaiza" ahahaha!~!!!

The Gasoline Dude™ said...

Iniisip ko kung gusto kong ibalik ang tamis ng pag-ibig. Sayang naman ang pusong nagmamahal. Nyahaha memoryado ang lyrics! Hehehe! = P

ToxicEyeliner said...

chrone -- sabi na nga ba may tinatago ka ring kaganyanan e! hahaha! i'm proud of u ! hahahha! and in fairness... SPAIZA is a hott term! hahaha!!!

gasdude -- ... nakakarelate? happy ending naman sina juday at wowie e... magiging ganon ka rin... trust in judowie!

ToxicEyeliner said...

chrone -- onga...bkt ba butiki

RJ said...

lagi akong nagugulat sa tugtog dito sa blog mo. hahaha. =D

ToxicEyeliner said...

rj -- ako rin e... hahahhaha

lethalverses said...

HINDI LAHAT NG PAG-IBIG NA NAWALA,
HINDI LAHAT NG TAMBALANG NASIRA;
AY NANAISIN NATING IBALIK PANG MULI,
...LIBAN KUNG ITO'Y SI JUDAY AT SI WOWIE.

haha nangungulit lang.

what went wrong kasi.

ToxicEyeliner said...

lethal -- haha kulet naman! yan ba ung pinag-iisipan mo sa pic mong nag-eemote at nag-wha-what went wrong!? hehehe joke lang...



bading daw kasi si wowie... =( ewan... naririnig ko e... pero yokong maniwala...

Anonymous said...

ganito pala ang blog..hehe joke lng..kun ganyan rn cguro mga panaginip q, ppayag n q magk-insomia..hehe wowie..tsktsk feeling q bading xa kc nun nagshooting sila sa harap ng bahay nmin, parang malandi at mahinhin xa gumalaw, just lyk most of the baklas out there..hehe geh un n lng muna..see yah..

ToxicEyeliner said...

frans -- (lethalverses... ito ung may evidence o! hahaha) ... oh well... =\ sabi nga ni juday sa cinema1, mas maganda na raw siya ngayon kaya siguro medyo level up? haha